Manika

Lahat siguro ng batang babae ay minsa’y naging paboritong laruan ang manika. Ang mala porselana nitong balat, mapupulang labi at magandang mga mata. Sino nga ba ang di mabibihag sa taglay nitong kagandahan na kulang nalang ay parang diyosa na sa kagandahan.

Minsan napaisip ako, isa nga ba akong manika? Manika na sa sobrang ganda ay ayaw mong ipahawak sa mga kalaro dahil sa takot na baka masira ito ng iba kaya’t kadalasan ay nasa loob lamang ako ng kahon para di magasgasan at maingatan ng husto.

Sa bawat araw na nilalabas mo ako sa kahon, lubos na ligaya ang nadarama ko. Isang araw na naman ito para makasama ka, para mapaligaya ang taong mahal ko kahit na ang ibig sabihin nito ay paglaruan mo ako. Ganun naman talaga siguro ang saysay ko, ang magsilbing dekorasyon sa iyong magarang kwarto o laruan para sa ikasasaya ng iyong puso. Minsan nga ay napaisip ako, pano kaya kung isang araw eh maging masaya ka kahit di mo ako paglaruan o ipang dekorasyon lamang, sa simpleng pag titig lamang sa aking mukha. Siguro nga pwede pero alam kong ayaw mo naman nito. Kahit na minsan ay nasasaktan na ako sa paraan ng iyong paglalaro ay hinahayaan ko na lamang, ito naman ang ikasasaya ko ang makita kang maligaya kahit alam kong masakit na. Ayos lang basta alam ko sa sarili ko na ako parin ang rason sa bawat ngiti at tawa mo pero isang araw nagbago ang lahat. Nakahanap ka ng bagong manika, mas maganda at mas magara kesa sakin, na luma na at pinaglipasan na ng panahon. Ang sakit palang isipin na nagbago na ang lahat, di na ako ang iyong hanap hanap sa bawat paguwi mo sa bahay at ang iyong mga ngiti ay di na para sakin. Nakahanap ka na ng iba at sa iyong puso’y wala na akong puwang. Kung dati rati’y ang pagkalagot ng aking hininga ay dahil sa iyong sobrang pagmamahal na nakakasakal sa tuwing nilalagay mo ako sa kahon, ngayon ay iba na ang rason ng aking bawat hinagpis. Iba pala ang sakit na ito, kasi ngayon ako’y binalewala mo na.

Habang tuwang tuwa ka sa paglaro sa bago mong manika ay nandito ako sa isang sulok ng iyong kwarto na unti unting namamatay sa hinagpis at lungkot. Tanga man kung sabihin ng iba pero balewala lahat ng sakit dahil ang ako’y masaya parin dahil maligaya ka na kahit sa piling pa ito ng iba. Manika nga pala talaga ako, manika na minsa’y nagpasaya sayo, minahal, pinaglaruan at ngayo’y pinagsawaan mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s